Sa iyong pamamalagi sa LSVMS ng tatlong taon... Maraming maraming salamat sa mga alaala na iyong iniwan.
Ang maging kasapi ka ng aking kaunaunahang Eagle Scouts ng LSVMS ay isang karangalan na kailan man hindi ko makakalimutan.
Sa iyong pag alis sa LSVMS... Dalhin mo ang mga alaala naming ibinigay sa iyo...mga alaalang gagabay sa iyo sa pagtahak mo sa himpapawid ng iyong bagong mundo...
hindi ka namin makakalimutan... pag nagkataon ka...lubos naming ikagagalak kung ikaw ay mapadpad muli sa amin.
Sa isang taon nating pagsasama bilang mga scouts... lagi naming maaalala ang iyong pagiging maalalahanin, mga ngiti sa gitna ng hirap ng mga pagsusubok, at ang iyong likas na angking kakayahan na pagiging matulungin.
Isa ka sa mga Eagle Scouts ko na hinding hindi makakalimutan...
Ito'y isang pamamaalam lamang...at gaya ng isang agila, na matapos ang kanyang mahabang paglalakbay, babalik at babalik sa kanyang pugad na kinagisnan...hanggang sa muli nating pagkikita sa himpapawid ng Boy Scouts!