Maraming maraming salamat sa inyong lahat mga mahal kong Eagle Scouts. Sa higit sa pitong buwan nating pagsasama, nakahanap ako ng isang bagong pamilya. Hindi nyo lang alam, marami akong natutunan din sa ating pagsasama. Akala nyo kayo lang ang may pinag bago, ako rin. Minsan sa aking pag iisa, aking napagisip isip na sobra akong swerte dahil siyam sa bata mula sa iba't ibang uri ng pamumuhay ang aking nakasama sa isang paglalakbay na puno ng saya, hirap, pagod, iyakan, halakhakan at higit sa lahat pagkakaibigan. Kaya ganoon na lamang kung ipagtanggol ko kayo sa lahat ng mga tumutuligsa sa atin, ganoon na lamang ang mga pag aalala ko sa inyo, lalong lalo na sa pag aaral ninyo.
Makailang beses kong ulit ulitin na sinasabi sa inyo na maraming salamat. Eto ang dahilan, mga mahal kong eagle scouts, kayo ang bumuo ng isang matagal ko nang pangarap para sa LSVMS, ang magkaroon ng Eagle Scouts ang paaralan natin. Pero higit pa pala doon ang aking mararanasan. Ipinaramdam ninyo sa akin muli kung bakit pagtuturo ang pinili kong trabaho. Dahil sa pagtuturo sa mga batang katulad nyo, nagkakaroon ako ng kapangyarihang mapagbago ang isang bata, mapagbago ang kanyang mga pag uugali, mapag bago ang kanyang mga paniniwala, pabagbago ang alin mang poot at galit na kanyang nararanasan mula sa iba't ibang uri ng mga tao sa kanyang paligid. Higit pa sa kaalamang tinuturo sa loob ng silid aralan...ito ang pinakamahalagang silbi ng isang guro, ang magkaroon ng kapangyarihang mapagbago ang isang bata tungo sa tamang landas. At iyan ang muling ninyong binuhay sa akin, mga minamahal kong Eagle Scouts.
Sa huli nating pag uusap matapos ang commitment activity ninyo noong Linggo alas-kwatro ng umaga...inipon ko kayo ulit, kahit alam kong inaantok na kayo dahil halos isa't kalahating araw na tayong walang tulog. Pero ayaw ko lang kasi palampasin ang pagkakataon na masabi ko sa inyo kung gaano ako natutuwa sa ating mga natamo noong Sabadong iyon. Sa inyong pag akyat sa entablado kasama ang inyong mga magulang, naramdaman kong para rin pala akong mga magulang ninyo na habang nakikita kayong matagumpay na tinatanggap ang medalya, ako, sa isang tabi ay pinipigil ang pag iyak, dahil alam ko ang mga hirap, pagod, at puyat na pinagdaanan natin bago natin ito natanggap. Walang hihigit pang tamis ng tagumpay ang ating natanggap ng araw din na iyon. Kaya ayun, inipon ko kayo muli sa kubo at kinausap at pinasalamatan...hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ninyo na bigla ninyong ibinalik ang pasasalamat sa akin at sinabing kung wala ako hindi nyo rin ito maaabot. Kung sa kay Ronit pa nga atEmmer, "In every action there's an equal and opposite reaction" sabi nyo nga. Bigla sumabog ang galak sa puso ko dahil napag isip isip ko...hindi ako nagkamali sa pag pili sa inyo para mapabilang sa grupong ito. Pero gaya nga ng sina sabi ko...kayo ang may hawak ng takbo ng ating grupo. Kung sa isang banda ay sumuko na kayo kahit ano pang pag uudyok ang gawin ko...wala pa rin sana tayo. Sa isang salita "PUSHER" lang ako at kayo ang "USER".
Mga Eagle Scouts ko, isaisip at isapuso ninyo lagi ang lahat ng aking mga pangaral. Tandaan ninyo ang lahat ng ating mga naranasan at paghihirap. At isipin ninyo na WALANG IMPOSIBLE SA TAONG MAY MAGANDANG HANGARIN. Kahit marami pa ang gustong sumalungat at humadlang sa kanyang paniniwala, magipit man sa pera at tiwala ng mga taong nakapaligid sa atin, basta't sama sama nating kakaharapin ang lahat ng ito...mapagtatagumpayan natin ito. Alam kong alam nyo yan dahil naranasan nating lahat iyan.
Nakakalungkot mang isipin na sa susunod na taon ay mababawasan na tayo agad. Hindi ko lubos maisip na darating agad ang ganitong pagkakataon...Pero, isa nanamang aral ang ating matututunan dito, na ang buhay ay patuloy na nagbabago. If there is one thing that is constant in life, that is CHANGE. May mamamaalam, may mawawala, pero ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan nating sampu ay mananatili at lalo pang titibay.
Ronit Jay Sapar, Emmer John Gamo, Jan Robert Callorina, Julius Ian Cyrus Regodos, Jonas Alojan, Joster Mina, Oliver Ines, Angel Jake Lobaton, at Jeremiah Tamparong...Maraming maraming salamat sa inyong lahat...CONGRATULATIONS!