At dito nagsimula ang lahat...
Labing-apat na high school scouts ang nagsimula sa aming paglalayag...ang ilan ay di na bago sa mga gawaing pang iskawt, ngunit karamihan ay mga baguhan pa talaga. Naranasan nila ang halos di na makakain ng maayos sa pagmamadali at baka mahuli sa tawag, lumusong sa mabahong putik , gamit ang iisang damit lang sa loob ng apat na araw, at marami pang iba...
Dito muling nabuhay ang matinding pag nanasa na mapabilang muli sa mundo ng scouting ang mga bata...
Sa Southern Palawan Advancement Camp na ginanap noong Sept. 22-25, 2011, nabuhay muli sa puso ng mga batang aking dinala ang puso ng scouting, at higit sa lahat nagsimulang nabuo ang isang pagsasama na hindi matutumbasan ng ano mang salapi. Napakaraming karanasan ang aming natutunan sa camping na iyon. Bago pa man matapos ang camp na iyo, sa aking pagkakatanda ay lumapit si Julius sa akin isang gabi at nagpahiwatig ang hangarin niyang makamit ang Eagle Scout Rank. Nakita ko ang matinding bugso ng pagnanais, kaya ako hindi nagdalawang isip na samahan ang batang ito sa kanyang paglalakbay tungo sa Eagle Scout Rank. Samantala, akin ding binukas ang pintuan sa iba pa na baka sakali ay sumama sa gaganaping Preliminary Board of Review sa Puerto Princesa BSP Council Office.
At noong October 1, 2011 nga ay sinamahan ko ang 10 LSVMS Scouts na sina Oliver, Jeremiah, Angel Jake, Paul, Julius, Jonas, Joster, Ronit, Emmer at Jan Robert sa kanilang paghakbang patungo sa Eagle Scout. Kailangan nilang dumaan sa isang Preliminary Board of Review for Eagle Scout Rank. Nagumpisa ang Prelim BOR 8:00 ng gabi at natapos lahat ng scouts ko ng halos mag 12:00 na. Isa sa mga nag top ng Prelim BOR sina Jonas Alojan at Julius Regodos. Sa gitna ng antok at kaba kung makakapasa ba sa Prelim BOR, isang kasiyahan ang naganap dahil itong araw din na ito ay kaarawan ng kaibigan naming si Jemarjo, isang Eagle Scout ng Puerto Princesa.
Sa aming hangarin na makatulong sa aming kumunidad, nakipag ugnayan kami sa dalawang kumpanya ng CBNC at RTNMC at nagpahiwatig ng nais naming makatulong sa kung ano mang Community Service project mayroon sila. Kaya kami nakatulong sa Gawad Kalinga. Dinala kami ng CBNC sa Sitio Bohoy kung saan sa kasalukuyan ay may mga itinatayong mga kabahayan ang Gawad Kalinga para sa mga kapatid nating katutubong Palaw'an. Sa bawat pagpintura ng bahay, sa bawat graba at buhanging aming tinatambak ay di namin alintana ang pagod dahil alam naming may isang pamilya ang mabibigyan ng bahay na may kasamang ngiti sa kanilang mga mukha. Napakasarap magpaligaya ng isang tao. Naulit pang muli ito at sa parehong lugar parin. Maraming salamat sa CBNC at sa GK sa pagbigay ninyo sa amin ng pagkakataong makatulong.
Sumunod naman naming tinahak ang landas patungo sa Provincial Jamborette noong December 2011. At sa paglalakbay na itp ay pinalad naman kaming makasama ang ilang mga Seniors na ubod ng ganda!!! tinagurian silang mga Butterfly Scouts ng LSVMS. Di man matayog ang lipad gaya ng isang Agila, ngunit kaakit akit ang ganda ng pagkampay ng kanilang mmga pakpak. Sina Garry, Rahimyar, Patrick, at Victor ay nakasama namin sa pagkakataong ito.
Kasama sa Provincial Jamborette ay ang pinaka aantay naming lahat na National Board of Review for Eagle Scout Rank. Sa gitna ng pagod at puyat dahil katatapos lamang ng Search for Mr. BSP nang gabing iyon, kailangan gumising ng 4:00 am dahil kailangan nilang mag assemble 5:00 am. Di naman kami nabigo, nauna kami sa pila, kumpleto dala lahat ng kailangan. Nagsimula silang tumulak patungong Puerto Princesa City Science High School at isinalang sa may limang panel rooms. Halos puno ng kaba ang lahat at puno ng nag iisang katanungan..."makakapasa kaya ako?"
Natapos ang kanilang National Board of Review ng mga 3:00 na ng hapon. Ibinalita na lahat ay nakapasa at lubos naman ang galak ng lahat, subalit may isa pang requirement daw na dapat madaanan...ang Survival Camp. Samantala, kasabay ng pag anunsyo na lahat ay nakapasa ang pagkakatanggap ng dalawang scouts ng patunay na sila ay napabilang sa top 5 na nakakuha ng mataas na grado mula sa Board of Review. Sina Jonas Alojan at Ronit Sapar ang mga natatanging socuts na nakakuha ng ganitong karangalan.
Samantala, habang ang 9 ay may National Board of Review, ako kasama ang apat na butterfly scouts ay nagpatuloy ng mga gawain. Nagkaroon ng Obstacle course, Horseback riding, at gun firing noongaraw din na iyon. Buong lakas na sinuong ng apat ang mga pagsubok sa obstacle course at sinubok ang hamon na sumakay sa kabayo. Lahat naman ay napagtagumpayan ng apat.
5:00 pm na ng natapos ang National Board of Review ng mga Eagle Scout Aspirants. Pagkadating nila sa Council, hindi pa sila agad pinapahinga. Sina Jonas at Ronit ay inutusang maging kasapi ng grupo na maghahanda para sa gaganaping camp fire kinagabihan. Kaya kahit pagod na sa katawan at isipan at dahil isang tunay na boy scout, ginawa nila ang tungkulin. Kinagabihan nagkaroon ng campfire activities.
Sa pagtatapos ng Provincial Jamborette, napabilang sina Jonas at Ronit sa top 5 sa kanilang panel sa National Board of Review at sinabihan na ang huling requirement nila ay ang Survival Camp na gaganapin sa Roxas, Palawan.
Pinagsikapan naming buuhin ang plano para sa darating na Survival Camp. At dumating na nga ang araw na iyon. Feb 29-March 4 , 2012 sa Abaraoan, Roxas Palawan. Sa pagkakataong ito, nakasama namin sina Prince Sayson at Daryll Agnas ng High School at sina Seth Nicholas Salanga, Kenneth Victor Alojan, Farhan Jaafar, Neil Kevin Jarina at James Gonzaga naman ng Elementary.
Sa unang araw namin, Feb 29, Kami ay inimbitahan ng mga boy scouts sa kabilang bayan ng San Vicente.Amin namang pinaunlakan ang kanilang imbitasyon. Doon ay malugod kaming tinanggap ng kanilang Scout Master na si Sir Lito Lan at ang kanilang buong scouts. Ipinagluto nila kami ng hapunan. Pagkatapos ay dinala sa kanilang tinatawag na Long Beach. Ito raw ang pinakamahabang beack sa Pilipinas, pangalawa sa Asya at ika-16th sa buong mundo.
Unang araw ng Survival Camp, kami ay pinalad na maunang dumating at magpa register kaya nakakuha kami ng award para doon. Nagkaroon ng mga unang gawain at ito ay orientation para sa isasagawang Survival hike. tinuruan ang mga scouts ng mga paraan kung paano makakaluto ng pagkain, gumawa ng apoy at maghanap ng tubig kapag nasa gubat.
Nagkaroon din ng campfire activities kung saan nakisalamuha ang mga LSVMS scouts sa ibang mga scouts na nagmula sa iba't ibang paaralan.
Dumating ang araw ng hike. Lahat ay excited, at sa sobrang excited, naparami yata ang aming mga dalahin. Kaya wala pang 5 kilometro ang aming nilalakad ay halos hirap na sa mga dalahin, pero patuloy pa rin. Nagsimula kami ng 10:00 ng umaga umalis sa Abaraoan Elementary School at ang huling dumating sa area ng bundok Matalangao ay 9:00 na ng gabi. Ilang bangin at linta din ang aming kinaharap. Mayroong muntikan nang mahulog sa bangin dahil naputol ang hinahawakang tali. Mayroon din yantok nalang ang hahawakan habang tinatahak ang bangin. Dumating ang puntong hindi na namin inalintana kung marumi man ang tubig na iniinom namin sa ilog, basta ang importante ay mapawi namin ang uhaw at makapagdagdag lakas pa ito sa amin. Nagkahiwahiwalay na kami ng buong grupo ng LSVMS kasi sa bagal ng ibang scouts at sa habang 25 kilometers na nilakad namin, minsan ay may naiiwan upang bigyang lunas ang masamang karamdaman. Maraming salamat at may mga ibang Scouts at Scout masters na handang tumulong sa amin lalo na nang nagkahiwahiwalay na. Mayroon 7:00 na ng gabi nang biglang malaman na naliligaw na sila at wala na sila sa tamang daanan. Kaya kailangan naman nilang hanapin ang tamang daan at sa awa ng diyos, nakarating din sila.
Laking tuwa namin na sa wakas, matapos ang pitong buwan na pakikipagsapalaran sa munod ng scouting, siyam na mga scouts ng LSVMS ang makakatanggap ng pinakaaasam na Eagle Scout Medal. Ang Eagle Scout Rank ay ang pinakamataas na rank na pwedeng kunin ng isang scout na Pilipino. Katumbas din ito ng Eagle Scout ng bansang Amerika. At ayon sa mga records ng BSP Palawan Council, kaunaunahan ang mga scouts ng LSVMS kasama ang dalawang scouts sa Bataraza na makakakuha ng Eagle Scouts para sa Municipalidad ng Bataraza. Dumating na nga ang araw ng National Court of Honor at iginawad isa isa sa mga scouts ng LSVMS ang Medalya kasama ng kani kanilang mga magulang. Walang pagsidlang tuwa ang aming nadama. Dahil alam namin, narating namin ang lahat ng ito sa abot ng aming makakaya, marami man ang mga tumutol at humadlang, at walang imposible sa taong may magandang hangarin at ang aming natatanging hangarin ay mabigyan ng natatangging pagkilala ang LSVMS.
Maraming salamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aming paglalakbay...mahirap mang intindihin pero ang nagawa ng scouting sa mga bata ay di gaya ng nagagawa ng kanilang mga natututunan sa loob ng apat na sulok ng kanilang silid aralan. Ito'y nagbibigay sa kanila ng mga aral na pampraktikal at inihahanda talaga sila sa tunay na hamon ng buhay...asahan po ninyo na patuloy kaming magbibigay ng serbisyo sa ngalan ng aming sinumpaan tungkulin para sa LSVMS at sa buong Bayan ng Bataraza...at sana'y dumami pa ang Eagle Scouts ng LSVMS.:-)